Bago ka dalhin ng pagkakataon
Sumuong muna ako sa mahabang prusisyon
Nagdasal sa mahal na Panginoon
Kung saan ako paroroon
Hanggang sa katauhan mo ang Kanyang itinugon
Sa mga mata mo nakita ang mga bagong lokasyon
Mga lokasyon na ‘di ko pa natutunton
Nang mapadpad ako roon
Alam kong ‘di ko kakailanganin ng mansyon
Dahil sa tabi mo, para akong nasa engrandeng bakasyon
Sa labi mo naipon ang mga lason ng kahapon
Natikman ang kung anong kunsumisyon
Pero dito ko rin narinig ang mga huni ng ibon
Na nagbibigay ng kakaibang inspirasyon
Patungo sa ibang dimensyon
Sa mga braso mo nahaplos ang iba’t-ibang bersyon ng aksyon
May mga hibla ng proteksyon
May mga marka ng imahinasyon
May mga malalalim na alon
Dito, ‘di ko gugustuhing umahon
Alam ko na ang gusto kong puntahan ngayon
Kung saan ka naroon
Dahil ikaw pala ang destinasyon
Na matagal ko ng nais puntahan noon,
Ngayon, at sa habang panahon
“Sa paglalagalag: Mga ligaya at sakit na dulot ng bagong mata, puso, at isip na natagpuan sa daan” is a series of Filipino poetry written out of love and loss.

Leave a comment